Sabado, Disyembre 17, 2016

BAYAWAN BOULEVARD



                                 BAYAWAN BOULEVARD

Ang Bayawan Boulevard ay isa lamang na magagandang tanawin na makikita sa lugar ng Bayawan City. Ang boulevard na ito ay kakaiba sa ibang mga boulevard na matatagpuan sa  Pilipinas, ayon sa aking pagsasaliksik ang boulevard ay ang pinakamataas na boulevard sa buong  Pilipinas. Ang boulevard na ito ay may apat na lanes na ipinaghiwalay ng isang island na puno mg mga damo. Ang boulevard na ito ay may haba na 2.4 kilometro, at binubuo ito ng mga mecury lamps na nakabibigay ilaw tuwing gabi. Tuwing gabi masaya dito merong mga tindahan na pwede mong kainan kapag pagod kanang maglibot sa boulevard merong mga tocino, seafoods, at ang pinakapaborito ng mga Baywanons ang balut at ang batchoy. 

Marami kang magagawa dito sa boulevard pwede kang mag ehersisyo dito pwede kang mag jogging, o mag bike. Kapag gusto nya naman maglibang kasama ang iyong mga bata at maglaro pwede din kayong pumunta sa playground. Sa larawan na ito ay siguradong masisiyahan ang mga bata dito. 


Makikita naman diba na maganda ang lugar na ito para libangan ng mga bata, hindi lamang ng mga bata kundi din sa mga pamilya na gustong mag picnic. Sa dulo ng boulevard pwede kang maligo doon maraming mga cottages doon at malinis pa ang tubig doon. Pwede nyo ring mag diwamg kayo doon katulad ng b-day party. Kung gusto nyo naman kumain ng masasarap na pagkain pwede nyo ring puntahan ang mga kainan dito o ang mga restaurant. Alam natin na guston kumanta ang mga pinoy meron ding mga videoke bar na pwedeng puntahan ng mga pinoy. Kung gusto nyo naman mag relaks merong mga nagmamasahe dito sa boulevard sa maliit na presyo lang ma rerelaks na kayo tanggal ang lahat ng stress. Kaya kung gusto niyong mag bakasyon pumunta lang dito sa Bayawan at
pumunta boulevard. It's more fun in Bayawan!johnhenrytrinidad.blogspot.com