Sabado, Disyembre 17, 2016

BAYAWAN BOULEVARD



                                 BAYAWAN BOULEVARD

Ang Bayawan Boulevard ay isa lamang na magagandang tanawin na makikita sa lugar ng Bayawan City. Ang boulevard na ito ay kakaiba sa ibang mga boulevard na matatagpuan sa  Pilipinas, ayon sa aking pagsasaliksik ang boulevard ay ang pinakamataas na boulevard sa buong  Pilipinas. Ang boulevard na ito ay may apat na lanes na ipinaghiwalay ng isang island na puno mg mga damo. Ang boulevard na ito ay may haba na 2.4 kilometro, at binubuo ito ng mga mecury lamps na nakabibigay ilaw tuwing gabi. Tuwing gabi masaya dito merong mga tindahan na pwede mong kainan kapag pagod kanang maglibot sa boulevard merong mga tocino, seafoods, at ang pinakapaborito ng mga Baywanons ang balut at ang batchoy. 

Marami kang magagawa dito sa boulevard pwede kang mag ehersisyo dito pwede kang mag jogging, o mag bike. Kapag gusto nya naman maglibang kasama ang iyong mga bata at maglaro pwede din kayong pumunta sa playground. Sa larawan na ito ay siguradong masisiyahan ang mga bata dito. 


Makikita naman diba na maganda ang lugar na ito para libangan ng mga bata, hindi lamang ng mga bata kundi din sa mga pamilya na gustong mag picnic. Sa dulo ng boulevard pwede kang maligo doon maraming mga cottages doon at malinis pa ang tubig doon. Pwede nyo ring mag diwamg kayo doon katulad ng b-day party. Kung gusto nyo naman kumain ng masasarap na pagkain pwede nyo ring puntahan ang mga kainan dito o ang mga restaurant. Alam natin na guston kumanta ang mga pinoy meron ding mga videoke bar na pwedeng puntahan ng mga pinoy. Kung gusto nyo naman mag relaks merong mga nagmamasahe dito sa boulevard sa maliit na presyo lang ma rerelaks na kayo tanggal ang lahat ng stress. Kaya kung gusto niyong mag bakasyon pumunta lang dito sa Bayawan at
pumunta boulevard. It's more fun in Bayawan!johnhenrytrinidad.blogspot.com

5 komento:

  1. Siyang totoo. Magaling utoy. Hahahaha

    TumugonBurahin
  2. Napakagaling ng mga itinuran mong mga salaysay at siya ring tama. Sadya nga isa ang Bayawan City sa mga lugar na dapat bisitahin ng hindi lang banyaga kundi narin ang mga kapwa nating Pilipino. Sadya mang pa unti-unti ang pag usbong ng maliit na siyudad na ito ngunit hitik ito sa kultura at tanawin. Pwede na ni utooy? Hahaha

    TumugonBurahin
  3. Salamat sa impormatibong sanaysay. Talaga namang nakakaingganyo na kami ay pumunta at ma-experience ang napakagandang boulevard na yan.Isa talaga itong hiyas ng ating bansa

    TumugonBurahin
  4. Maraming salamat po sa impormasyong ito. Pagkauwi ko ngayong darating na pasko ay bibisita ako dyan with my frens.

    TumugonBurahin
  5. Maayos naman ang pagkakalahad maliban nalang siguro sa tamang paghihiwa-hiwalay ng ideya sa talata.

    TumugonBurahin